Pang-aabuso sa Pribilehiyo at Kapangyarihan
Ang katiwalian sa pamahalaan ay ang mga
pinagmulan noong panahon ng mga sinaunang Pilipino. Patuloy pa rin ba nating
tanggapin ang mga maling gawain ng ating pangulo kahit alam nating hindi iyon
maganda? Ang mga ito ay pinaalala ng pang-aabuso ng mga prayle at opisyal ng
Espanya sa pagsisimula ng pamamahala. Si Jose Rizal, ang ating pinakamahalagang
bayani ay mahigpit na ipinakita at isiniwalat ang mga pang-aabusong ito at kalupitan
sa kanyang nobela na Noli Me Tangere. Tulad ng binigyang diin ni Rizal: “There
are no tyrants where there are no slaves.” Ito’y nakalulungkot dahil ang mga
pang-aabuso ng kapangyarihan ay nagaganap sa ating bansa. Hinawakan tayo sa mga
kamay ng mga opsiyal na may kapangyarihan, kanila tayong ina-abuso para lamang
sa kanilang kapakinabang. Madalas ay naiisip ko talaga kung bakit nakuha nila
itong posisyon, sapagkat nalaman ko na dahil ito mismo sa kanilang kasakiman
para lamang makuha ang titulo. Naisip ko rin na sa simula ay mababait ang mga
taong ito sapagkat sila’y nag-abuso na dahil lamang sa una nilang paggawa ng
nakalulugod na paraan, ay nahila na sila ng kanilang kadamotan. Ngayon, labis
na hindi gumaling-galing ang pagboboto ng mga mabubuting senador at ang nepotismo
sa gobyerno ay lumalala. Ang mga sendaor ay gumawa ng kompetesyon para lamang
ipakita kung sino ang makakuha sa kapangyarihan, ngunit nakalimutan na nila ang
pinakamahalagang dahilan kung bakit sila’y maging president, na ang makinig sa
mga boses ng mga mamamayanan at bigyang respeto ang mga residente hindi ang
mayroon awtoridad.
Ang
ganitong pang-aabuso ng kapangyarihan ay makikita rin sa kasalukuyan kung saan
ang iba ay sumusunod lamang dahil walang alam o kaya’t nag bulag-bulagan lang
talaga, ang iba ay nagdurusa na dahil sa mga naaping pamilya. Sa kasamaang
palad, ito’y ginagawa sa ating na boto na president at mga senator kasali na
ang ibang pulis, dahil na punta sila sa kadiliman at nahigup sila sa kanilang
kasakiman ay nagawa nilang na abuso ang kapangyarihan para sa kanilang
kapakinabang o para lamang sa kanilang kasiyahan. Hindi nila iniisip kung ano
ang maidudulot ng kanilang mga masasamang ginagawa, kahit na ito’y mabuti para
sa kanilang pananaw ay dapat parin silang mag-isip sa nararamdaman ng iba.
Katulad lamang sa ginawa ni Rodrigo Duterte noong nakaraang lingo, ipinakita
raw niya ang buong kapangyarihan ng gobyerno laban sa isang babae, si Sen. Si
Leila de Lima na nagresulta sa pagkakakulong sa kanya ng dalawang taon ngayon,
habang napapaloob sa ligal na laban, laban sa mga singil na mailalarawan lamang
bilang katawa-tawa. Tulad ng kung hindi nakuntento si Duterte sa pagpapakita na
maaari niyang kontrolin ang mambabatas at ang hukuman upang gawin ang kanyang pagtawad. Ang nakakahiyang paggamot ba
kay De Lima ay isang nakahiwalay na kaso? Maaaring nagsimula itong mabisa sa
una, ngunit maliwanag na nalulugod sa pagpagawa ng mambabatas at panghukuman.
Una, napili ang isang biktima isa na naglakas-loob na sabihin kay G. Duterte,
gaano man siya kagalang-galang, na siya ay mali. Pagkatapos ay inaatake niya
ang biktima na iyon sa publiko, sa panahon ng mga press conference o isang
talumpati, at dahil siya ang Pangulo, isang seryosong publiko ang seryoso sa
kanya. Gumagamit si Duterte ng kanyang kapangyarihan, hindi lamang upang
durugin ang mga taong hindi niya gusto, ngunit din upang mabuo ang mga taong
gusto niya. Tulad ng nagawa niya kay Bong Go, na may netong halagang P12.8
milyon lamang na may kasamang cash na humigit-kumulang na P3 milyon ay nagawang
gumastos sa huling taon (Enero 2018-Enero 2019), ayon sa Philippine Center para
sa Investigative Journalism, ang halagang P422.5 milyon, karamihan sa mga ad sa
TV, billboard, atbp. Ang mga ad ni Go ay nakatuon sa kanyang pagiging malapit
sa Pangulo, at sa katunayan, karaniwang magkakasama silang naglalarawan. Ang
ganitong uri ba ng pang-aabuso ng kapangyarihan ay nagawa ng ibang mga pangulo?
Maliban kay Marcos, wala akong maisip. At si Marcos ay mayroong batas militar
sa likod niya. Maaga sa relo ni Duterte, dating senador Rene Saguisag ay
nagsalita sa kanya nang ganito: "Naniniwala ako na ang titulo mo ay
Presidente, hindi Hari. Humihingi ka ng respeto ngunit tila wala kang
kakayahang magbigay. Pinili namin ang isang pinuno, hindi isang hari, at tila
hindi mo masasabi ang pagkakaiba. "

Maraming
nagdurusa at namamatay sa mga kautusan ng mga matataas na walang katarungan
para sa mga dukhang Plipino na ang magagawa lamang ay sumunod sa mga
makasalanang korupt na gobyerno. Ang kapangyarihan ay isang regalo; ang
pagkakataong gumawa ng pagkakaiba sa mundo. Pumili tayo ng mga taong matalino,
maayos ang ugali, tapat sa salita at nakatuon sa pag-papaunlad ng ating bansa.
Hanapin natin ang ganitong pag-uugali sapagkat ang taong ito ay talagang
makalulutas ng ating mga problema at sa mga issue sa lipunan. Sa tingin ko,
wala naman taong ganito ka perpekto kaya tayong lahat mismo ang dapat kumilos
at magka-isa bilang kapwa Pilipino. Kailangan tayong may pagkabatid sa mga
nangyayari sa ating lugar at huwag lamang natin pabayaan kung ano ang tama at
mali na dapat natin sundin upang lutasin ang bawat problema ng ating lipunan.
Kailangan natin maging isang mabuting edukadong tao, na hindi lamang sa kung
ano ang ating nararamdaman tayo gagawa, kung hindi kikilos tayo para sa
kabutihan. Bigyan natin ng pansin kung sino talaga ang kailangan ng tulong
sapagkat dito tayo makakita at matutong tumingin sa iba ng pantay ano man ang
awtoridad meron ang isang tao. Sa lahat
ng pagmamalasakit at sa pagtulong natin sa iba ay talagang makikita rin tayo ng
naturang taong ating mabigyan ng kapangyarihan at ating sundin bilang isang
pinuno sapagkat isa siya sa mga taong tumulong sa atin kaya alam na nito ang
ating mga problema. At sana’y sa susunod na election ngayong taon ay makakita
tayo ng ganitong tao na hindi lamang ang pwesto bilang isang president ang
habol kung hindi, ang pagpapatupad ng kakulangan nang bansa na pantay-pantay
ang pagtingin sa atin na walang diskriminasyon.
Comments
Post a Comment